Friday, September 7, 2012

DoJ panel, binuo para sa tax case ni Corona

Ipinauubaya na lamang ni Justice Sec. Leila de Lima sa binuong task force ang pag-review sa tax evasion case na isinampa laban kay dating Chief Justice Renato Corona, anak nitong si Ma. Carla Beatriz C. Castillo at manugang na si Constantino Castillo III. Napag-alaman na si Senior Assistant State Prosecutor Roseanne Balauag ay siyang tatayong chairperson ng panel habang si prosecution Atty. Ronald Estepa at Atty. Javee Laurence Bandong ang siyang tatayong miyembro ng binuong grupo. "Naka-assign na 'yan sa tax evasion task force. I ask pa about it and he said he assigned to the task force handling RATE cases," ani De Lima. Magugunitang sinampahan ng mahigit P150 million tax evasion case ng BIR sa DoJ ang mga Corona. Dagdag pa ni De Lima, sa loob ng 60 araw ay agad silang maglalabas ng resolusyon. "The rules already says its 60 days, cover pa rin ng 60-day rule," dagdag pa ni De Lima.