Friday, September 7, 2012

Maagang heightened alert sa 9/11 anniversary - BI

Itinaas ngayon ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang lahat na kanilang mga tauhan sa mga paliparan at iba pang port of entry sa bansa. Ito ay kasabay ng nalalapit na anibersaryo ng September 11 terrorist attack sa Estados Unidos. Kaugnay nito, inatasan ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang lahat ng BI personnel sa mga airports at seaports na maging mahigpit sa pagsuri sa profile ng mga pasaherong dumarating sa bansa. “You shall closely monitor those who could pose potential threats to national security, especially suspected foreign terrorists,” ani ni David. Ayon kay David, sakaling may dayuhang pasahero na "inadmissible o undesirable" ay agad itong i-book sa susunod na available na biyahe pabalik sa bansang kaniyang pinanggalingan. Layunin aniya nito na matiyak ang seguridad sa bansa.