Friday, September 7, 2012

Ate Guy, Direc Brillante, binigyan ng standing ovation sa Venice film fest

Binigyan ng limang minutong standing ovation sina superstar Nora Aunor at premyadong direktor na si Brillante Mendoza para sa kanilang pelikulang "Thy Womb" na kalahok sa 69th Venice International Film Festival sa bansang Italy. Una rito sa red carpet pa lamang ng event ay inabangan na ang mga bituin mula sa Pilipinas. Kasama din naman ni Nora sa Venice sina Lovi Poe at ang multi-awarded indi film actress na si Mercedes Cabral. Proud na proud naman ang producer ng pelikula na si Larry Castillo sa pagkinang ng kanilang pelikula sa international audience. Umaasa naman si Castillo na magiging puhunan nila ang respetong nakuha sa Italya para higit na maging interesado ang publiko sa mga pelikulang likhang pinoy, lalo na at ginagampanan ito ng mga hinahangaang aktor at aktres sa ating bansa.