Friday, September 7, 2012
Maagang heightened alert sa 9/11 anniversary - BI
Itinaas ngayon ng Bureau of Immigration (BI) sa heightened alert ang lahat na kanilang mga tauhan sa mga paliparan at iba pang port of entry sa bansa.
Ito ay kasabay ng nalalapit na anibersaryo ng September 11 terrorist attack sa Estados Unidos.
Kaugnay nito, inatasan ni BI Commissioner Ricardo David Jr. ang lahat ng BI personnel sa mga airports at seaports na maging mahigpit sa pagsuri sa profile ng mga pasaherong dumarating sa bansa.
“You shall closely monitor those who could pose potential threats to national security, especially suspected foreign terrorists,” ani ni David.
Ayon kay David, sakaling may dayuhang pasahero na "inadmissible o undesirable" ay agad itong i-book sa susunod na available na biyahe pabalik sa bansang kaniyang pinanggalingan.
Layunin aniya nito na matiyak ang seguridad sa bansa.
DoJ panel, binuo para sa tax case ni Corona
Ipinauubaya na lamang ni Justice Sec. Leila de Lima sa binuong task force ang pag-review sa tax evasion case na isinampa laban kay dating Chief Justice Renato Corona, anak nitong si Ma. Carla Beatriz C. Castillo at manugang na si Constantino Castillo III.
Napag-alaman na si Senior Assistant State Prosecutor Roseanne Balauag ay siyang tatayong chairperson ng panel habang si prosecution Atty. Ronald Estepa at Atty. Javee Laurence Bandong ang siyang tatayong miyembro ng binuong grupo.
"Naka-assign na 'yan sa tax evasion task force. I ask pa about it and he said he assigned to the task force handling RATE cases," ani De Lima.
Magugunitang sinampahan ng mahigit P150 million tax evasion case ng BIR sa DoJ ang mga Corona.
Dagdag pa ni De Lima, sa loob ng 60 araw ay agad silang maglalabas ng resolusyon.
"The rules already says its 60 days, cover pa rin ng 60-day rule," dagdag pa ni De Lima.
Ate Guy, Direc Brillante, binigyan ng standing ovation sa Venice film fest
Binigyan ng limang minutong standing ovation sina superstar Nora Aunor at premyadong direktor na si Brillante Mendoza para sa kanilang pelikulang "Thy Womb" na kalahok sa 69th Venice International Film Festival sa bansang Italy.
Una rito sa red carpet pa lamang ng event ay inabangan na ang mga bituin mula sa Pilipinas.
Kasama din naman ni Nora sa Venice sina Lovi Poe at ang multi-awarded indi film actress na si Mercedes Cabral.
Proud na proud naman ang producer ng pelikula na si Larry Castillo sa pagkinang ng kanilang pelikula sa international audience.
Umaasa naman si Castillo na magiging puhunan nila ang respetong nakuha sa Italya para higit na maging interesado ang publiko sa mga pelikulang likhang pinoy, lalo na at ginagampanan ito ng mga hinahangaang aktor at aktres sa ating bansa.
Subscribe to:
Posts (Atom)