Sa kabila ng nangyaring bomb scare sa tanggapan ng Philippine Stocks Exchange (PSE) sa lungsod ng Makati kahapon, malakas pa rin na nagsara ang trading ngayong linggo.
Sa PSE index ngayong araw, naitala ang new high record na 37.82 points o 4,286.87 na mas mataas sa 4,249.05 na record kahapon.
Ayon naman kay stock analyst Martin Santos, ang masiglang kalakaran sa merkado ay indikasyon umano ng patuloy na tiwala ng mga investors sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sa Lunes ay walang trading dahil sa holiday at sa Martes na muli ang merkado ng bansa.
Samantala bahagya namang nanghina ang halaga ng piso kontra dolyar.
Nagsara ngayon ang piso sa P43.30 kontra isang dolyar, habang kahapon ay nasa P43.23.