Saturday, October 16, 2010

Pres. Aquino: Target, zero casualty sa bagyong Juan

President AquinoInalerto ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang mga residente sa lugar na dadaanan ng bagyong Juan na nakapasok na sa Philippine area of responsibility.

Pinayuhan ng Pangulo ang mga apektadong residente na makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay, municipal at national officials para matiyak na in-place ang mga kinakailangang paghahanda.

Hiniling din ng Pangulo sa mga nasa private sector partikular ang Philippine National Red Cross na laging handa para magbigay ng tulong.

Nilinaw ng presidente na walang dapat ikaalarma pero wala umanong mawawala kung maging maingat at maghanda laban sa kalamidad upang makamit ang target na ZERO casualty.

Kasabay nito, kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan ng Pagasa at DOST para magbigay ng mabilis at makabuluhang updates sa lagay ng panahon lalo sa bahagi ng Isabela at Cagayan.

Inihayag umano ni Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na handa silang magsagawa ng preemptive evecuation sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Ang DSWD naman umano ay nakapag-preposition na ng mga relief goods.

Sa Metro Manila, naatasan din ang MMDA na tanggalin muna ang mga billboards at ibalik lamang kapag tapos na ang pananalasa ng bagyo.

"Let us all do our part ensure that we remain focused on proactive measures to reduce rsik to populations. And I am confident our government will, once again, work haind-in-hand with the citizenry to bring out the best in all of us as we brace for the coming storm," ani Aquino.