Thursday, February 26, 2009



AKING PANALANGIN



Akayin mo ako’t bigyan ng pag-asa

Abutin ang kamay ng pusong may dusa

Dapyuhan ng lingapyaring abang diwa

Nang itong palad ko’y magtamo ng ‘yong awa




Nalayo ako’t naligaw ng landas

Ginugol ang buhay, sinayang ang oras

Liko-likong daa’t madilim na landas

Kaya’t liwanag Mo’y ‘di ko na mamalas



Naging alipin ng palalong mundo

Sinundan ang layaw at lahat ng gusto

Kaya nga’t bumagsak sa dusa at siphayo

Yaman at dangal ko’y kasamang naglaho



Salamat na lamang muli Mong nilingap

Binigyan ng puwang ang aba kong palad

Binangon Mo ako’t Iyo pang niyakap

Binihisang lubos, tinawag na anak



Kaya’t hayaan Mong isaboy sa hangin

Iyong bigyang daan itong panalangin

Papuri’t lwalhati nawa ay tanggapin

Tanging bayad Sa’yo ng Iyong kandilihin.